Your web-browser is very outdated, and as such, this website may not display properly. Please consider upgrading to a modern, faster and more secure browser. Click here to do so.
And that is, the case of a six-year-old boy being made to dance ala macho dancer while he is crying and being laughed at because of what he was doing.
Ang KASO naman kasi ang main point dito eh, hindi PA yung mga dapat kasuhan kasi nga aalamin ang FACTS para mapagdiskusyunan. Kung may isip ba naman ‘yung host at kung alam niya sa sarili iya na hindi sa kanya dapat idiin ang buong issue eh di nalang siya nagreact ng bonggacious. Magrereact na nga lang, OFF TOPIC PA.
Ang focus tuloy napunta sa mga binanggit na mga artista na tinitira daw siya sa Twitter. Eh, hello? Hindi po sila “nakikisawsaw as ARTISTA”, nagte-tweet lang po sila BILANG ISANG ORDINARYONG TAO. Para kasing ang interpretation ko na dun sa pagwawalang-hiya sa kanila ni WR eh “Kung artista ka at magtweet ka, hindi pwedeng against sakin kasi kakasuhan kita”. Batas mo kuya?
Ang issue ay tungkol sa pagsayaw ni Jan-jan, hindi ang Ultra Stampede, hindi ang Cory’s funeral, hindi ang alitan nyo ni Jobert Sucaldito, hindi ang Wilyonaryo. Inuulit ko, ang kaso ay PAGSAYAW NG ISANG 6-YEAR-OLD BOY NA GUMIGILANG ATUMIIYAK AT PINAULIT-ULIT HABANG NASA RISING PLATFORM, NAGWAWAGAYWAYAN NG PERA SA PALIGID ANG MGA STAFF ETC., HABANG TUMATAWA ANG HOST AT IBA PANG NAKITA KO NA NASA STUDIO AT TUMATAWA RIN. Iyon po ay example ng FACT.
Ang pagbanggit na may kinalaman ito sa network rivalry ay masyado nang OA. Napaglipasan na ng panahon ang mga may bagay na may kinalaman ang ABS-CBN (his former employer), bakit ngayon lang siya umaatungal tungkol sa “dahil sa ratings” na pinagsasabi niya? At bakit doon nya idinidirekta ang issue? Revenge ba ito?
Kawawa naman si Manny Villar. Minsan na nga lang mabanggit ang pangalan niya ngayon, sa ganitong issue pa madadamay. Eh wala naman ako nabasa ni isa sa kahit anong Facebook or Twitter recently na may pangalan ng senador until binanggit ito mismo ng host.
At ang “karangalan na mabastos ni Willie” ayon kay Cristy Fermin..eh….p*tang *na lang talaga ang masasabi ko.
Pinanood ko ang 25-minute speech nya sa Youtube dahil nabitin ako nung nakita ko ito sa TV (patapos na kasi). Magaling kang mag-sales talk, pero walang laman ang mga sinasabi mo. Sayang. This people definitely needs professional help.
At tulad ng sabi ko sa title, ang issue ay tungkol sa nangyari noong March 12. Sa mga “trolls” na walang ibang masabi kundi mura at maidahilan na “inggit” lang ang nagtutulak sa amin para mag-ingay ng ganito, nakakaawa kayo. Kinokondena ko ang nangyari noong March 12 dahil sa aking pananaw ay may mali rito, pero ngayon, KINOKONEDNA KO NA ANG TV HOST SA PAGWAWALANG HIYA NIYA SA MGA PERSONALIDAD NA PINANGALANAN NIYA SA KANYANG TALUMPATI - malinaw na pag-disrespect sa mga respetadong tao sa ating lipunan.
Bukod sa mga pagmumura at pagsasabi ng “We Wil Stand”, “We support Willie”, pagbibigay ng mga “death threats”, magsalita kayo ng may KATUTURAN para mapatunayan naman namin na ginagamit nyo nga ang mga utak nyo at hindi lamang dahil sa habol nyo ang “saya at perang” naipapamigay ng show - oo, ng show, hindi ng host. Kung idadahilan nyo sa amin na “ito na nga lang ang aming pamparelax pag-uwi sa bahay”, “pag-asa”, napaka SELFISH NINYONG MGA TAO.
Hindi ako mabibili ng pera. Siguro nga, dahil medyo may kaya kami sa buhay kaya ako nakakapagsalita ng ganito. Pero hindi ibig sabihin ay tatahimik na lang kami at hahayaan ang mga batang tulad ni Jan-Jan ay maging alipin ng maling paraan ng pagpapasaya sa tao. Kaya kami nag-iingay ng ganito ay para na rin sa lahat ng batang ayaw na naming maabuso at magising ang media na SUMOSOBRA NA SILA.
Lawakan ninyo ang pag-iisip ninyo. Hindi uso dito ang awa at drama para manalo.
Page 1 of 48